Pulis Ibaan, Pinarangalan

Ibaan Police SPO1 Oscar Maulion Umali mayor danny toreja
SPO1 Oscar Maulion Umali

Kinilala at pinarangalan sina SPO1 Oscar Maulion Umali at PO2 Charlie Gonzales Bicol ng lokal na pamahalaan sa kanilang pagkakahuli sa tatlong suspek sa carnapping noong ika-21 ng Hulyo.

Base sa report ng pulisya, bandang ika-2 ng umaga, Hulyo 21, nagpapatrolya sina SPO1 Umalis at PO2 Bicol nang mamataan ang isang tricycle na nakaparada sa madilim na bahagi ng kalsada ng Brgy. Talaibon. Nilapitan nila ang ito, subalit nagtakbuhan umano ang dalawa sa mga suspek patungo sa PNP Housing Project, habang naiwan naman ang isa. Makalipas ang ilang oras na paghahanap, nahuli din ang dalawa at tuluyan nang dinala sa presinto ang tatlo.

Ibaan Police PO2 Charlie Gonzales Bicol mayor danny toreja
PO2 Charlie Gonzales Bicol

Sa pag-iimbestiga, napag-alaman na ang nasabing tricycle ay isang karnap mula sa Brgy. Sampaguita, Lipa City na nauna nang nai-report sa Lipa City Police Station. Narekober naman sa mga suspek ang nasabing tricycle.

Hindi na isiniwalat ang pangalan ng mga suspek sa kadahilanang mga menor de edad pa ang mga ito na pawang mga residente ng Alupay, Rosario, Batangas. Inilipat na sa pulisya ng Lipa City ang kustodiya ng mga suspek.

Pinangunahan naman ni Coun. Venus de Castro ang pagbalangkas ng resolusyon kasama ang Sangguniang Bayan na nagbibigay parangal kina SPO1 Umali at PO2 Bicol. Naibigay ang parangal noong July 29, 2013 kasabay ng flag ceremony ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Ibaan.

Bukod kina SPO1 Umali at PO2 Bicol, binati at pinasalamatan din ang bumubuo at pamunuan ng Ibaan Police Station.

Ibaan Police Station Officer Naparato habang binabati ni Mayor Danny Toreja.
Ibaan Police Station Officer Naparato habang binabati ni Mayor Danny Toreja.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s