DJAPMNHS, Tumanggap Ng 88 Computers

Mayor Danny Toreja kasama ang mga guro ng DJAPMNHS
Mayor Danny Toreja kasama ang mga guro ng DJAPMNHS

Sa isang simpleng programa, opisyal nang ibinigay ng pamahalaang bayan ng Ibaan sa pamunuan ng Dr. Juan a. Pastor Memorial National High School ang 88 computers. Ang mga computers ay gumagana sa pamamagitan ng NComputing Technology.

Narito ang kabuuan at kasamahan ng mga parte ng computers na nai-turnover sa DJAPMNHS.

  • 4 server units (Core i5 2400 3.04 Ghz, 16GB Kingston DDR3, 1 TB HD Storage, DVD Writer/1 KVA UPS, Intel Motherboard, 1 GB video card, ATX casing with 600 True Rated PS, Thermal Take Power Supply, Keyboard and mouse, packaged with Windows 7, 64 bit/Thinkfree Office Suite 4.0
  • 22 units 17″ Led Monitor
  • 22 units COMBO PS2 keyboard and mouse
  • 1 unit 8 ports Switch Hub and set of cables
  • Installation and Configuration
  • 7 units of NComputing M300

Ang pagkakaloob ng mga computers ay naisakatuparan sa pamamagitan ng paghiling ni Mayor Danny Toreja kay Sen. Teofisto Guingona III.

Ayon kay Mayor Toreja, ang mga computers, bagama’t naipagkaloob at nasa pangangalaga ng DJAPMNHS, ay maaari namang gamitin ng iba pang mga mag-aaral mula iba pang publikong paaralan. Kailangan lamang ng mga koordinasyon sa pagitan ng DJAPMNHS at ng iba pang publikong paaralan na nais gumamit nito. Kasama rin sa kanyang agenda ang pagkakaroon ng mga libreng computer trainings para sa mga guro at iba pa gamit ang nasabing mga computers.

Isang magandang pasalubong naman ito sa bagong Principal ng DJAPMNHS na si Mrs. Nenito A. Adame.  Lalong higit din ng kanilang mga guro na nagtuturo ng computer subjects.

Hiniling din ni Mayor Toreja sa pamunuan na pag-ibayuhin ang pag-iingat ng mga computers para magkaroon ng mas malaking pakinabang sa mga mag-aaral sa mahabang panahon.

Sa kasalukuyan, nasa 40 computer units na ang naiikabit, habang 21 dito ang maari nang gamitin. Magsasagawa pa ng ilang pagsusuri at pag-aaral para sa mas episyenteng paggamit ng mga ito. Pinangunahan naman ng mga IT Personnel ng lokal na pamahalaan ang pagkakabit ng mga ito.

This slideshow requires JavaScript.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s