Self Employment Assistance Para Sa Maglalako

Si Mayor Danny Toreja habang ipinapaliwang ang konsepto ng Self Employment Assistance Program, Marso 18.
Si Mayor Danny Toreja habang ipinapaliwang ang konsepto ng Self Employment Assistance Program sa ilang posibleng benepisaryo mula sa Brgy.Talaibon, Marso 18.

Bahagi pa rin ng programa ng pamahalaang bayan ng Ibaan na matulungan ang maliliit na negosyante, patuloy na inilalapit nito sa mga posibleng benepisaryo ang programang “Self Employment Assistance”. Sa pagkakataong ito, inilahad ang programang ito sa Brgy.Talaibon, March 18.

Sa programang ito, pahihiramin o pauutangin ang mga negosyo ng puhunan na nagkakahalaga ng P5,000.00 sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Gng. Irene Torres. Ang nasabing halaga ay babayaran ng benepisaryo sa halagang P100.00 kada linggo hanggang sa matapos o mabuo ang hiniram na P5,000.00. Wala rin dapat alalahanin ang mga benepisaryo sapagkat ito ay walang kaakibat na interest na babayaran.

Isang bukas na talakayan din ang inilahad para mas maintindihan ang kabuuan ng programa.
Isang bukas na talakayan din ang inilahad para mas maintindihan ang kabuuan ng programa.

Ganun pa man, isa sa mga pangunahing kailangan na gawin ng mga benepisaryo ay magbuo ng isang opisyal na grupo pang maging opisyal din na representante ng maraming benepisaryo. Ito naman ay maisasagawa sa tulong pa rin ng MSWO.

Nauna nang nakinabang sa programang ito ang isang kababayan natin mula sa Brgy.Tulay.

Samantala, naging pangunahin namang bibigyang pagkakataon ang mga maglalako ng mga kakanin tulat ng sinaing na tulingan, tamales, kalamay, at iba pang mga kakanin, ganun din ang mga maglalako ng iba pang mga bagay. At sa Brgy.Talaibon, maaring 30 muna ang mabigyan ng pagkakataon para sa programa. Ganun pa man, makaasa ang ibang barangay na mabigyan din ng ganitong pagkakataon.

Sa pamamagitan nito, pinapatunayan ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja, ang pagbibigay importansya sa mga ordinaryong mamamayan at negosyante na hindi maitatanggi na malaki ang papel na ginagampanan sa bayan ng Ibaan.

Para iba pang impormasyon, maaring magsadya sa Municipal Social Welfare And Development Office, at hanapin si Gng. Irene Torres.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s