Hagupit Ni Ofel Sa Ibaan

Ang imahe ni Poong Santiago sa Brgy. Catandala na nakabantay sa pag-agos ng tubig dala ng baha.
Ang imahe ni Poong Santiago sa Brgy. Catandala na nakabantay sa pag-agos ng tubig dala ng baha.

Makalipas ang maraming taon, muling dinalaw ng mabigat at malakas na pag-ulan ang  bayan ng Ibaan dala ng bagyong “Ofel” na nagresulta ng malakas na pagbaha at pagkasira ng ilang imprastraktura sa ilang bahagi ng bayan noong ika-25 ng Oktubre 2012.

Tulad ng mga nagdaang pag-ulan naging mataas ang agos ng tubig sa mga “spill way” tulad ng Pinagtipakan Spillway sa pagitan ng Brgy. Poblacion at Brgy. Coliat, ganun din sa pagitan ng Brgy. Balanga at Brgy. Cantadala.

Maging ang Brgy. Poblacion ay nakaranas din ng pagbaha. Nagsilbing taga-salo ang Poblacion ng mga tubig na nanggagaling sa tatlong magkakasunod na barangay ng Calamias, Tulay at Talaibon.

Ang napinsalang daan pababa ng spillway sa gawing bahagi ng Brgy. Balanga.
Ang napinsalang daan pababa ng spillway sa gawing bahagi ng Brgy. Balanga.

Ilang Mga Pinsala

Sa halos dalawanpu’t apat na oras na pag-ulan, tumaas ang tubig sa huli nang higit pa sa inaasahan sa Balanga – Catandala spillway. Base sa mga larawan, umakyat ang tubig sa paitaas na bahagi ng daan hanggang sa punto na ilubog na rin ang rebulto ni Poong Santiago na ilang buwan pa lamang naiitayo sa Brgy. Catandala. At dahil na rin lakas ng pagbaha, nasira ang bahagi ng daan pababa sa spillway sa gawing bahagi ng Brgy. Balanga.

Sa Brgy. Sandalan, bumagsak ang isang bahagi ng konretong pader na malapit sa Barangay Hall. Ganito rin ang nangyari sa Sabang Elementary School na hindi nakayanan ang daloy ng tubig mula sa palayan na nasa likuran ng paaralan.

Spill way sa Brgy. Tulay.
Spill way sa Brgy. Tulay.

Samanatala, nasira at nadala naman ng spill way na nasa Brgy. Tulay. Hindi na nakayanan ng culvert nito ang malaking volume ng tubig na dumaan. Dahilan upang madala na rin ang mga ito ng agos.

Nanatili namang matibay ang daanan na nasa Brgy. Quilo. Bagamat nabarahan ng makapal na buhangin, putik at mga piraso ng kahoy at kawayan, hindi ito natinag. Ganun na rin hanging foot bridge na malapit dito. At nang tumigil na ang ulan, sama-sama naman na naglinis ang mga taga Brgy. Quilo upang agad na madaanan ito ng mga tao at sasakyan.

Malaking problema naman sa mga magsasaka ng Brgy. Salaban 2, Salaban I at Lapu-lapu ang kanilang mararanasan sa problemang hatid ni Ofel. Natabunan on natakluban ng lupa na dala ng baha ang malaking bahagi ng kanilang irrigation. Ang nasabing irrigation ang dinadaluyan ng tubig mula sa bayan ng San Jose na kanilang ginagagamit sa pagpapa-tubig ng kanilang mga palayan.

Agad na nakipagpulong si Mayor Toreja sa MDRRMC sa pangunguna ni Vice Mayor Sixto Yabyabin, kasama si Engr. Nilo Salazar, hinggil sa pinsala ng bagyong Ofel sa Ibaan.
Agad na nakipagpulong si Mayor Toreja sa MDRRMC sa pangunguna ni Vice Mayor Sixto Yabyabin, kasama si Engr. Nilo Salazar, hinggil sa pinsala ng bagyong Ofel sa Ibaan.

Pagmomonitor

Sa kasagsagan ng pagdaan ni Ofel, patuloy naman ang ginawang pagmo-monitor ng lokal na pamahalaan ng Ibaan sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC).

Sa bawat pagkakataon na humihina ang ulan, agad na lumilibot ang miyembro ng grupo upang makita ang mga pinsala na dulot ng bagyo. Sa halos buong araw ng Oktubre 25 – 26, nanatili nilang tinutukan ang mga kaganapan.

Bagama’t nasa isang seminar si Mayor Danny Toreja sa First Pacific Leadership Academy, Antipolo City mula sa imbitasyon ng Ateneo De Manila Graduate School, SEAOil Company at Kaya Natin Movement, patuloy ang kanyang komunikasyon sa MDRRMC. At dahil na rin sa mga pangyayari, minabuti niya na bumalik na rin ng Ibaan noong araw ding iyon.

Ang Quilo spillway habang ng mga taga barangay matapos humupa ang ulan.
Ang Quilo spillway habang ng mga taga barangay matapos humupa ang ulan.

Bago pa man tuluyang dumiretso sa munisipyo, dumaan na si Mayor Toreja sa Brgy. Salaban II upang bisitahin ang ang isang pamilya na napinsala ang tahanan, base na rin sa impormasyon at pakikipag-usap kay Kap. Eddie Pasia habang binabagtas ang daan pabalik ng Ibaan. Kahit sa maliit na halaga, nagbigay din siya ng tulong pinansyal sa pamilya.

Sa pakikipagpulong sa MDRRMC sa pangunguna ni Vice Mayor Sixto Yabyabin, agad na pinag-usapan ang mga naging pinsala ni Ofel tulad ng mga naunang nabanggit, kasama na rito ang mga nasirang imprastraktura, pananim at apektadong pamilya. Isang komprehensibong report ang binuo na isusumite naman sa Pamahalaang Probinsyal at Pamahalaang Nasyunal.

Ang pagpupulong para sa pagsasagawa ng konkretong report ng pinsala ni Ofel.
Ang pagpupulong para sa pagsasagawa ng konkretong report ng pinsala ni Ofel.

Sa pagsusumite ng report, kalakip na rin ang kanilang “request” na agarang mabigyang pansin ang pangangailangan ng Ibaan. Nasa prayoridad nila na agad na mabigyang aksyon at agad na maisaayos ang daan patungong Catandala dahil na rin malaking hirap na idudulot nito sa mga mamamayan ng tatlong barangay -Catandala, Mabalor at Panghayaan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lokal sa mga kinauukulan at iba’t ibang ahensya ng probinsyal at nasyunal na pamahalaan para dito.

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s