Mini Farmers Day, Idinaos

ibaan mini farmers day iba ang ibaan 2
Ang mga magigiting na magsasaka ng Ibaan.

Sa pamamagitan ng Ibaan Municipal Agriculture Office, idinaos ang isang Mini Farmers Day kung saan tinipon ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay upang maipabatid sa kanila ang iba’t ibang bagay hinggil sa aspetong agrikultural ng bayan, September 13.

Sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Ethel Joy Caiga, iprinisinta niya ang mga naging “accomplishments” mula 2010 hanggang sa kasalukuyan ng kanyang opisina na nakadirekta para sa kapakanan ng mga magsasaka.

Naging instrumento din ang araw na iyon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka na magbigay ng kanilang mga suhestyon na magiging programa at proyekto pa ng ahensiya para sa taong 2013.

Higit sa lahat, binigyang-laya din ang mga magsasaka na ilahad ang kanilang mga sentimyento, estado, at kanilang mga pangangailangan sa pagsasaka upang higit na mapaunlad ang kanilang mga ani.

Malugod naman ang mga itong pinakinggan ni Mayor Danny Toreja. Sa talakayan, nagbigay din siya ng mga opinyon kung paano pa mapapalakas ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga magsasaka. Sa kabilang banda, nagphayag din ng paghanga si Mayor Toreja sa sipag at tiyaga na ipinapamalas ng mga magsasaka na siyang pangunahing dahilan upang higit niya silang suportahan.

ibaan mini farmers day iba ang ibaan 1
Patuloy na binibigyang suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng iba’t ibang programa sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office.

Nagpahayag din ng kahandaan sa pagsuporta sa mga magsasaka si Vice Mayor Sixto Yabyabin. Aniya, ang kaniyang departamento sa Sangguniang Bayan ay hindi mag-aalinlangan na maghatid ng anumang tulong para sa mga magsasaka. Sinegunadahan naman ito ni Kon. Rodel De Castro na panauhin din sa nasabing pagtitipon.

At dahil naroon na rin si Mayor Toreja at Vice Mayor Yabyabin, naghayin na rin ang mga magsasaka na magkaroon ng isang opisyal na araw para kilalanin ang mga magsasaka sa bayan ng Ibaan. Hindi naman sila nabigo dahil nangako sina Mayor Toreja at Vice Mayor Yabyabin na maaring sa susunod na taon, maiitakda nila ang opisyal na araw ng selebrasyon ng pagkilala sa mga magsasaka.

Bago matapos ang pagtitipon, ipinamahagi sa mga magsasaka ang “rice certified seeds” mula sa “buffer-stoking program” ng Department of Agriculture, lalong higit ang mga magsasaka na naging biktima o apektado ng black bug. Nagpadala rin ng rice seeds ang Provincial Agriculture Office para pa rin sa mga magsasaka.

More photos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s