Mayor Toreja, Naghain Ng Kandidatura

Mayor Danny Toreja at Vice Mayor Sixto Yabyabin habang naghahayin ng kanilang kandidatura sa COMELEC-Ibaan.
Mayor Danny Toreja at Vice Mayor Sixto Yabyabin habang naghahayin ng kanilang kandidatura sa COMELEC-Ibaan.

Opisyal nang naghain ng kanyang kandidatura sa ikalawang pagkakataon sa pagka-alkalde ng bayan ng Ibaan si Mayor Juan “Danny” Toreja sa unang araw ng buwan ng Oktubre 2012.

Kasama rin ni Mayor Toreja si Vice Mayor Sixto Yabyabin at mga piling kandidato sa pagka-konsehal ng bayan.

Matapos ang isang misa sa Saint James The Greater Parish, tumuloy ang grupo sa Medrano Plaza para sa regular na “flag ceremony” kasama ang mga empleyado  ng munisipyo at mga kaibigan.

Kasunod nito, nagtungo na sila sa COMELEC-Ibaan upang maisumite ang kanilang kandidatura.

Partido Liberal

Opisyal naman na kinilala ang grupo bilang opisyal na grupo o tiket ng Liberal Party matapos silang manumpa dito noong ika-7 ng Setyembre, taong kasalukuyan.

Sa pangunguna ni Mayor Toreja at Vice Mayor Yabyabin, kasama sa grupo ang mga kasalukuyang konsehal na sina Soc Arellano (Tulay), PJ Chua ( Malainin), Rodel de Castro (Salaban I), at Tony Benitez (Poblacion). Nadagdag naman sa kanila si Vido Patimo (Pangao) na dati nang naging konsehal ng bayan. Ganun din sina ABC President Sonny Portugal (Panghayaan), at Sancho Villanueva na kasalukuyang Barangay Chairman ng Brgy. Sandalan.

Umaasa si Vice Mayor Yabyabin na matapos niya ang kanyang ikatlo at huling termino sa nasabing posisyon. Ganun din si Tony Benitez sa pagka-konsehal naman. Samantala, katulad ni Mayor Toreja, hangad naman nina Soc Arellano, PJ Chua at Rodel de Castro ang kanilang ikalawang termino. Unang pagkakataon naman na lalaban sa pagkakonsehal sina ABC President Sonny Portugal at Brgy. Chairman Sancho Villanueva. Ito naman ang muling pagbabalik ni Vido Patimo sa larangan ng pulitika na naging konsehal din ng bayan makaraan ang ilang taon.

Pito pa lamang ang opisyal na kandidato sa pagka-konsehal ng grupo. Subalit inaasahan na makukumpleto nila ito bago matapos ang palugid ng COMELEC para sa “filing of candidacy” hanggang Oktubre 5.

Sa paghahayin nila ng kanilang kandidatura, umaasa naman sila ng suporta ng mamamayan katulad noong nagdaang eleksyon noong 2010.

More photos.

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s