ABC Pres. Portugal, Nagmungkahi Ng Susog Sa Pambayang Kautusan Blg. 2005-10

Ibaan ABC President Sonny Portugal
Ibaan ABC President Sonny Portugal

Naging pangunahing awtor si ABC President Sonny Portugal upang masusugan ang “Pambayang Kautusan Blg. 2005-10 sa pamamagitan ng Kautusan Blg. 2012-02.

Dito, itinatadhana ang obligasyon at responsibilidad ng sinumang magpapagawa ng bahay, bakod, piggery, pigpen, at iban pang mga pagawain na tumubos muna ng “Barangay Construction Clearance” na nagkakahalaga ng limampung piso (P50.00) sa tanggapan ng Sangguniang Barangay. Ito na rin ang magsisilbing pangunahing “requirement” bago pa man makakuha ng iba pang mga kaukulang permiso mula sa pamahalaang bayan ng Ibaan, Batangas.

Ayon kay ABC Pres. Portugal, isinulong niya ang nasabing susog hindi upang dagdagan ang bayarin ng isang pribadong indibidwal na may pagawain. Layunin nito maipagbigay-alam din sa Sangguniang Barangay ang anumang pagawain lalo pa’t ito ay nasa loob ng nasasakupan ng isang barangay.

Bukod pa rito, magkakaroon din ng pagkakataon ang Sangguning Barangay upang madetermina ang kaligtasan, hindi lamang ng nagmamay-ari, pati na rin ang mga mamamayan.

“Bukod doon, kung naipagbigay-alam ito sa Sangguniang Barangay, maaari din kaming tumulong upang madetermina kung nasa tama at ligtas na lugar ang kanilang pagawain.  Sa ganitong paraan, mabibigyan din namin sila ng sapat na rekomendasyon sa Municipal Engineering at MPDC para maaprubhan ang kanilang mga pagawain”, aniya.

Tinatawag na “Kautusan Sa Pagtubos Ng Barangay Construction Clearance”, o Kautusan Blg. 2012-02, binago ang nakasaad sa Pangkat I ng Pambayang Kautusan Blg. 2005-10 kung saan ang mga may pagawain ay magbabayad ng P50.00. Bunga nito, nagkaroon ng iba-ibang halaga ang babayaran base sa halaga ng pagawain ayon sa pagkakasunod:

Halaga Ng Pagawain – Kaukulang Bayarin

P50,000.00 hanggang P100,000.00 – P100.00

P101,000.00 hanggang P300,000.00 – P300.00

P301,000.00 pataas – P500.00

Nakasaad din dito ang kaparusahan sa sinumang hindi tatalima sa kautusang ito na papatawan naman ang ng mga sumusunod:

Unang Paglabag: pagmumulta ng halagang P500.00

Ikalawang Paglabag: pagmumulta ng halagang P1,000.00

Ikatlong Paglabag: pagmumulta ng halagang P1,500.00, pagpapatigil ng gawain at pagkakulong ayon sa itinakda ng hukuman.

At kung sakaling makakolekta ang pamahalaang bayan ng halagang itinakda sa kaparusahan, ang halagang nakolekta ay mapupunta sa pamahalaang barangay bilang katumbas ng barangay construction clearance.

“Natulungan na natin ang may pagawain, nakatulong din tayo na madagdagan ang budget ng barangay. Malaking tulong na rin ito sa mga barangay”, ayon pa rin kay ABC Pres. Portugal.

Naipasa at napagtibay ang nasabing Pambayang Kautusan Blg. 2012-02 noong ika-23 ng Abril, 2012.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s