Munisipyo, Sinimulan Ang Koleksyon Ng Buwis

Ang mga requirements na kailangan para sa pagproseso ng business permit at iba pa.

Sinimulan na ng lokal ng pamahalaan ng Ibaan ang koleksyon o pagtanggap ng mga buwis mula sa mga pribadong indibdwal at negosyante para sa unang bahagi ng taong kasalukuyan. Matapos ang mahabang bakasyon, agad na sinimulan ang proseso sa ikalawang araw pa lamang ng Enero.

Sa kasalukuyan, gumawa ang Information Technology Department ng munisipyo ng sistema kung saan ang mga magbabayad ay kinakailangan munang kumuha ng “computer generated transaction number” bago pa man makapunta sa susunod na proseso. Ang mga transaksyon para sa iba’t ibang uri ng buwis na babayaran sa iba’t ibang oipisina sa munisipyo ay nakapaloob din sa numero. Ang numero ay makukuha sa “entrance hallway” ng munisipyo.

Layunin ng sistemang ito na maiwasan ang pagkakagulo ng pila ng mga magbabayad.

Sa sistema, tanging ang may hawak lamang na numero ang mapapagsilbihan ng mga kawani. Ang numero naman ay tinatawag upang ipagbigay alam sa mga kliyente.

Ipinapaalala po na upang mapabilis ang proseso, makabubuti na kumpletuhin muna ang mga “requirements” upang maiwasan ang mas malaking abala.

Si Mayor Toreja habang nirerebisa ang mga papel ng aplikante ng business permit.

Umabot lamang sa P4.9 milyon ang naging pinagsamang koleksyon ng munisipyo mula sa real property tax, community tax, business permit, sanitary permit, tricycle franchise permit, general collection (water works, police clearance, court clearance), locational clearance and building permits at iba pa. Ang nasabing koleksyon ay mula Enero hanggang Pebrero 2011.

“Malaki ang tiwala ko sa mga taga Ibaan na magbabayad sila ng tamang buwis. Kailangan ito ng ating bayan para masuportahan ang mga programa natin. Hindi naman sa bulsa natin ito napupunta. Ibinabalik natin sa bayan sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto at programa. Tapat ang mga taga-Ibaan. At umaasa ako sa bagay iyan”, ayon kay Mayor Danny Toreja.

Mula sa nasabing halaga, umaasa rin si Mayor Toreja na madaragdagan ang magiging koleksyon sa kasalukuyan.

Ipinapaalala din na hanggang Enero 20, 2012 lamang ang inilaan na panahon na inilaan para sa pagbabayad ng buwis. Makalampas ang nasabing itinakdang araw, papatawan ng karagdagang 20% ang kabuuan ng buwis na babayaran.

Inaabisuhan din naman ang mga may-ari ng kainan, karinderia o restaurant kumuha muna na “referral” mula sa Municipal Health Office bago magtungo sa Saint James the Greater Hospital para sa X-ray ng mga empleyado at may-ari ng negosyo. Makukuha din sa Municipal Health Office ang iba pang kailangan na “health clearances”.

 

Narito ang sunod sunod na proseso para sa pagbabayad ng buwis at iba pang mga bayarin sa munisipyo.

MGA HAKBANG SA PAGKUHA AT PAGRERENEW NG BUSINESS PERMIT & LICENSE.

STEP 1 :         Kumuha ng Computer Generated Transaction Number para sa Business Permit                   sa entrance ng Munisipyo.

STEP 2 :         Pumunta sa likurang bahagi ng munisipyo para magpa-check ng                                           requirements.

STEP 3:          Magpa-assess at magprint ng clearance sa Business Permit & License Desk.

STEP 4:          Magpa-verify at magpapirma sa Municipal Engineer’s Desk.

STEP 5:          Magpa-verify at magpapirma sa MPDC Desk.

STEP 6:          Magbayad at magpa-pirma sa BIR.

STEP 7:          Magbayad at magpapirma sa Health Desk.

STEP 8:          Magbayad at magpapirma sa Bureau of Fire Protection (BFP) Office.

STEP 9:          Kumuha ng Computer Generated Transaction para sa Community Tax                                 Certificate (Sedula).

STEP 10:        Magbayad at magpapirma para sa Community Tax Certificate (Sedula).

STEP 11:        Kumuha ng Computer Generated Transaction para sa Real Property Tax                              (Buwis  ng Lupa).

STEP 12:        Magbayad at magpapirma sa Real Property Tax (Buwis sa Lupa).

STEP 13:        Magbayad at magpapirma sa bill sa tubig.

STEP 14:        Kumuha ng Computer Generated Transaction Number para sa General                                Collection.

STEP 15:        Magbayad sa cashier.

STEP 16:        Ibigay ang clearance sa printing desk.

STEP 17:        Intaying matawag ang pangalan para sa pagrerelease ng inyong permit. 

 

MGA HAKBANG SA PAGKUHA AT PAGRERENEW NG TRICYCLE FRANCHISE

STEP 1:          Kumuha ng Computer Generated Transaction Number para sa Tricycle Franchise sa                                   Entrance ng Munisipyo.

STEP 2:          Pumunta sa opisina ng MPDC dala ang mga requirements :

  1. 1.                  Barangay Clearance
  2. 2.                  Certificate galing sa Association
  3. 3.                  Kopya ng latest na OR at CR

STEP 3:          Mag pa-assess at magpaprint ng clearance sa Opisina ng MPDC.

STEP 4:          Magpa-inspect at magpapirma sa Opisina ng PNP dala ang tricycle.

STEP 5:          Magpa-inspect at  magpapirma sa MPDC Staff.

STEP 6:          Kumuha ng Computer Generated Transaction Number para sa Community Tax                                           Certificate (Sedula).

STEP 7:          Magbayad at  magpapirma para sa Community Tax Certificate (Sedula).

STEP 8:          Kumuha ng Computer Generated Transaction  Number para sa Real Property Tax                           (Buwis ng Lupa).

STEP 9:          Magbayad (kung may babayaran) at magpapirma para sa Real Property Tax (Buwis ng                               Lupa).

STEP 10:        Magbayad at magpapirma sa bill sa tubig.

STEP 11:        Kumuha ng Computer Generated Transaction  Number para sa General Collection.

STEP 12:        Magbayad sa cashier.

STEP 13:        Ibalik ang resibo sa opisina ng MPDC  kasama ng clearance.

STEP 14:        Ibigay sa MPDC Staff para sa printing ng Application/ Mayor’s Permit /Tricycle                                         Franchise.

STEP 15:        Bumalik kinabukasan para sa pagkuha ng prangkisa.

Mayroon nakalagay na numero sa bawat opisina o departamento na maaring sundan ng magbubuwis para sa tamang proseso.

Narito naman ang ilan sa mga papel o requirements na makukuha o dapat kumpletuhin ng magbubuwis para sa mas mabilis na pagproseso ng mga permits.

Ang mga requirements na kailangan para sa pagproseso ng business permit at iba pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s