Christmas Party Ng Mga Barangay, Dinaluhan Ni Mayor Danny Toreja

Kasama ang kanyang may-bahay na si Dra. Pat, masayang nakikipag-usap si Mayor Danny Toreja sa isa sa miyembro ng kababaihan ng Brgy. Sabang.

Sa kabila ng iba pang mga trabaho bilang Local Executive ng Ibaan, nagawa pa rin ni Mayor Danny Toreja na dumalo sa mga Christmas Party ng iba’t ibang brangay at grupo nitong nagdaang Disyembre.

Simula ikalawang linggo ng Disyembre hanggang sa Kapaskuhan, naglaan siya ng panahon upang makibahagi at makisaya sa mga pagtitipon na ito. Bagama’t maliit na bagay at maliit na halaga lamang, nagbigay siya ng ilang mga regalo mula sa kanyang personal na kapasidad bilang isang pribadong indibidwal. Siniguro din niya na hangga’t maari, lahat ay mapagbibigyan kahit pa halos umagahin siya ng pag-uwi sa kanyang tahanan. Hindi man lahat ay kanyang napuntahan, sinigurado naman niya na makapagpadala siya ng representante o emisaryo upang maipaabot ang kanyang mensahe at pakikiisa sa grupo.

Sa kabila nito, isang karangalan naman para sa kanya ang maging kasama ng kapwa Ibaeno kahit sa maikling panahon sa ganitong mga pagkakataon.

 

 

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s