Batang May “K”, Inilunsad Sa Ibaan

Kasama ang mga Barangay Chairmen at Barangay Health Workers, matiyaga ring nakinig si Mayor Danny Toreja para sa tamang paraan ng pananatili ng kalinisan at kalusugan ng mga bata.

Sa pakikipagtulungan ng Philippine Dental Association at Batangas Provincial Govenrnment, inilunsad ang programang “Batang May “K”, Kalinisan, Kalusugan, Kinabukasan”, base na rin sa pakikipagugnayan ni Mayor Danny Toreja sa grupo.

Layunin ng programang ito na mabigyang pansin at maintindihan ang kahalagahan ng mga proseso upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng mga bata para na rin kanilang magandang kinabukasan.

Ayon kay Mayor Toreja, hindi ito maaring ipagwalang bahala sapagkat nakasalalay din dito ang kinabukasan ng mga bata.

“Malaki ang koneksyon ng kalinisan at kalusugan sa kinabukasan ng mga bata. Kung mapapangalagaan natin ang kanilang kalinisan, magkakaroon sila ng tamang kalusugan upang harapin ang mga hamon ng kinabukasan. Alam natin na malaking balakid sa ikatatagumpay ng isang bata ang pagkakaroon ng sakit o karamdaman. Kaya naman suportahan po natin at magtulungan tayo para sa mga ganitong programang”, paalala ni Mayor Toreja.

Pangunahin sa mga naging panauhin sa maikling programa na ito ang mga Barangay Chairmen at Barangay Health Workers na siyang inaasahan na magiging kaakibat sa nasabing programa.

Sa nasabing programa, tinuruan sila ng tamang proseso ng paggabay sa mga bata lalong higit sa parte ng pagsisipilyo at paglilinis ng katawan.

Inaasahan naman na maipapatupad ito sa mga Day Care Centers at sa ibat’t ibang paaralang elementarya sa bayan ng Ibaan. Kaugnay nito, nagpahayag si Mayor Toreja ng kahandaan na mag-provide ng mga kinakailangan pasilidad sa mga paaralan Day Care Centers para na rin sa ikatatagumpay ng programa.

 

 

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s