Munisipyo ng Ibaan, Isinasaayos

Ang likurang bahagi ng Munisipyo ng Ibaan na isinasaayos para sa mas malaking espasyo sa mga opisina.

Kasalukuyang isinasaayos ang bahay pamahalaan ng Munisipalidad ng Ibaan kung saan nagsimula ang konstruksyon noong buwan ng Nobyembre.

Base sa plano, tulad ng kasalukuyang istraktura sa likurang bahagi ng munisipyo, daragdagan ang nasabing gusali. Sa pagawaing ito, pansamantalang inilipat ang mga opisina ng COMELEC at Local Civil Registry sa ikalawang palapag ng gusali.

Ayon kay Mayor Danny Toreja, layunin nito na mas mapalawak pa mas maging organisa ang operasyon ng mga departamento at para na rin mas maging maaliwalas sa mga mamamayan na nangangailang ng serbisyo ng ilang departamenito,

“Ang pagsasaayos ng building natin ay upang mabigyan din ng sapat na space ang mga apektadong departamento. Kapag natapos ito, maari na rin natin itaas ang COMELEC at Local Civil Registry. Kung baga, paglalapitin natin ang ilang mga departamento na may koneksyon ang mga transakyon. Para naman hindi na masyadong magpabalik-balik ang mga mamamayan na nangangailangan ng mga serbisyo nila”, ani Mayor Toreja.

Kasama rin sa plano ang paglalaan ng mga opisina sa ibabang bahagi ng gusali na maaring ipagamit sa mga pang-gobyerno at

pribadong grupo.

Samantala, umaabot naman sa P5,000,000.00 ang halaga ng nasabing proyekto.

“Galing kay Sen. Ralph Recto ang pondo. Kaya naman nagpapasalamat tayo sa kanya dahil napagbigyan niya ang ating kahilingan.”, pagtatapos ni Mayor Toreja.

Inaasahan na matatapos ang proyekto hanggang sa Hunyo ng susunod na taon.

 

 

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s