JDT, Nakisaya Sa Christmas Party Ng Kababaihan

Masayang pinalakpakan ng mag-asawang Mayor Danny at Dra. Pat Toreja ang presentasyon ng kababaihan sa Brgy. Sabang.

Bagamat araw ng Linggo at araw ng pamamahinga, pinili pa rin ni Mayor Juan Danny Toreja na makisaya sa mga ginaganap na Christmas Party ng mga grupo ng kababaihan sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Ibaan.

Kasama ang kaniyang may-bahay na si Dra. Pat Toreja nagpunta sila sa Brgy. Sabang, Brgy. Bago at Brgy. Catandala matapos ang isang okasyon sa ibang bayan na kanila rin dinaluhan. Dala-dala nila ang may tig-30 balot na regalo bawat barangay ipinamigay sa mga miyembro ng kababaihan sa pamamagitan ng raffle. Ganun din, nag-abot din ng kaunting halaga mula sa sariling bulsa bilang tulong na rin sa grupo ng kababaihan.

Sa Brgy. Sabang, ginanap ang kasiyahan sa Sabang Elementary School. Sa pagdating ni JDT, malugod naman siyang sinalubong at tinanggap ng grupo.

Dito, napakita ng talento sa pagsayaw ang mga miyembro kasabay ng masaya at magilas na tugtugin. Sa pagdating ni Mayor Toreja, muling nagsayaw ang mga kababaihan upang maimapamalas sa Punong Bayan at sa kanyang kabiyak.

Kababaihan sa Brgy. Bago

Matapos ang ilang oras, dumiretso naman sila sa Bago Barangay Hall kung saan naman ginaganap ang katulad na okasyon para sa mga kababaihan. Agad silang sinalubong at sinamahan ng Barangay Chairman at kanyang may-bahay na siya rin namang Presidenta ng grupo ng kababaihan sa kanilang barangay.

Mula sa biro ng mga kababaihan, nagpaunlak naman ng isang awitin si Dra.Pat Toreja.

Matapos ang maikling kwentuhan, sunod naman nilang pinuntahan ang Brgy. Catandala. Dito, masayang palaro naman na kinalalahukan ng mga miyembro mismo ang siyang inabutan ni JDT. At tulad ng mga naunang barangay, labis ang kasiyahan at malugod silang tinanggap ng mga kababaihan.

Grupo ng kababaihan sa Brgy. Catandala

Sa kanyang pakikisaya sa Christmas Party ng mga grupo ng kababaihan, nabibigyan siya ng pagkakataon upang magpahayag ng kanyang pagbati at pananalita para sa grupo. Bagama’t tatlong barangay ang kanyang napuntahan, isa lang ang mensahe na ipinaabot ni JDT.

Ayon sa kanya, una sa lahat, hinikayat niya ang lahat na magpasasalamat sa Panginoon dahil sa pagsilang ni Jesus na siyang tumubos ng ating mga kasalanan. Ipinaalala din niya na ang tunay na esensya ng Pasko, higit pa sa mga bonus at mga regalo, ay ang patuloy na pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawad lalo pa sa punto ng pulitika, at pagkakaisa, upang higit mapag-ibayo ang hangarin na mapaunlad ang bayan ng Ibaan.

Hindi rin nawawala sa mga Christmas party ang paborito ng lahat na Tamales-Ibaan.

Samantala, binati naman niya ang grupo ng kababaihan ng Brgy. Catandala. Ayon sa kanya, isa ang Catandala sa may pinakamagandang records pagdating sa performance ng grupo ng kababaihan pagdating sa pananalapi at pondo nito. Masaya niyang ipinagmalaki at binati ang grupo dahil sa umaabot na umano sa isang milyon (P1M) ang pondo nito.

“Isa itong malaking accomplishment. Kaya naman binabati natin ang pamunuan, ang inyong masipag na Presidenta, na kung hindi dahil sa kanyang sipag, tiyaga, at pagmamalasakit sa inyong lahat, hindi po ninyo maabot ang estadong ito. Nawa’y magpatuloy po ang inyong pag-unlad”, pagtatapos ni Mayor Toreja sa kanyang talumpati.

Brgy. Sabang

Matapos ang isang okasyon na dinaluhan sa ibang bayan, agad na nagtungo si Mayor Toreja sa Brgy. Sabang kung saan nagkakasiyahan ang grupo ng kababaihan ng nasabing barangay na ginanap sa Sabang Elementary School, bandang hapon. Sinalubong siya ng mga opisyales ng grupo habang inaabot ang mga dala niyang 30 balot na regalo na ipinamahagi naman sa mga miyembro sa pamamagitan ng isang raffle.

 

 

(Photos courtesy of Taga Ibaan Ako)

 

 

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s