Pakikiramay Ng Bayan Sa Pamilya Ni Mark Samuel Dinglasan

Mark Samuel Dinglasan of Brgy. Munting Tubig

Kasama po ang lahat ng opisyales at mga empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan, lubos po ang pakikiramay na ating ipinapaabot sa pamilya ni Mark Samuel Dinglasan ng Brgy. Munting Tubig sa kanyang di inaasahang pagpanaw sa ibang bansa.

Naalala ko pa po noong mga nagdaang buwan. Nagpunta pos a aking opisina si Mark, o mas kilala sa pangalang Macoy, upang magpaalam na sya po ay aalis na patungong ibang bansa upang magtrabaho. Isa pong karangalan na makadaupang-palad ang katulad niya bago pa man siya lumisan papuntang ibang bansa. Hiniling ko sa Panginoon na bigyan siya ng tibay at lakas ng loob sa landas na kanyang tatahakin.

Marami ang nakakakilala at nagmamahal kay Macoy. Nagsilbi siya bilang SK Chairman ng Brgy. Munting Tubig. Naging boses siya ng kabataan, at kahit sa maliit na paraan, ipinaglaban niya ang karapatan ng kanyang nasasakupan kahit ano pa man ang maging hadlang. Ganun pa man, sa likod ng kanyang katapangan, nandoon naman ang kanyang magiging mabait, malambing at mapagbirong anak, kapamilya, at kaibigan.

Naniniwala po ako na maging ang kanyang mga kasamahan sa SK Federation, sampu ng iba pang mga SK Chairman ng iba pang barangay, nakilala, inirespeto, at naging malapit din sila kay Macoy. Isang malaking kawalan ang paglisan ni Macoy. Dahil taglay niya ang katangian ng isang mabuting kaibigan at mabuting mamamayan ng Ibaan.

Kaya naman sa’yo Macoy, maraming salamat sa mga alaala na iyong iniwan sa ating bayan, sa iyong pamilya, at iyong mga kaibigan. Pagpalain ka nawa ng ating Panginoon.

Maraming salamat. At paalam.

Mayor Danny Toreja

Advertisements

One thought on “Pakikiramay Ng Bayan Sa Pamilya Ni Mark Samuel Dinglasan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s