Samahan Ng Magsasaka Ng Brgy. Pangao at Brgy. Tulay, Tumanggap Ng Hand Tractor at Rice Harvester

Pormal na iniabot ni Mayor Toreja ang envelop na naglalaman ng susi ng hand tractor at rice harvester habang nakamasid ang iba pang opisyal ng pamahalaang bayan ng Ibaan na sina Vice Mayor Sixto Yabyabin (dulong kanan) at Konsehala Juvy Mendoza (dulong kaliwa).

Dahil na rin sa patuloy na perhuwisyong nararanasan ng mga magsasaka na dala ng pabago-bagong panahon, pormal nang ibinigay ni Mayor Danny Toreja, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Sixto Yabyabin, ganun din ang mga opisyales at empleyado ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan ang isang hand tractor at isang rice harvester noong ika-19 ng Oktubre.

Kaalinsabay ng pagsasagawa ng Ugnayan Sa Barangay Pangao, iniaabot ni Mayor Toreja ang mga susi ng dalawang makinarya sa pagsasaka. Nakapaloob sa isang envelop, malugod naman itong tinanggap ng opisyal na representante ng Pangao – Tulay Farmers Association.

Ang ipinagkaloob na hand tractor sa mga magsasaka ng Brgy. Pangao at Brgy. Tulay.

Naipagkaloob ang nasabing mga makinarya dahil na rin sa lawak ng bukirin na nakalaan bilang taniman ng palay na matatagpuan sa magkadugtong na magkabilang bahagi ng nasabng dalawang barangay.

Ayon pa sa kanila, isasaayos na lamang ng kanilang samahan ang sistema para sa maayos at patas na paggamit ng mga miyembro ng ipinagkaloob na hand tractor at rice reaper.

Ang rice harvester/reaper, kasama ang hand tractor ay nagmula sa Kapitolyo na ipinagkaloob naman ni Mayor Toreja sa samahan ng magsasaka sa nasabing mga barangay.

Ayon naman kay Mayor Toreja, marapat lamang na maipagkaloob sa nasabing samahan ng magsasaka ang dalawang makinarya. Panahon na umano upang mabigyang tulong sila ng pamahalaan dahil na rin walang kapaguran nilang kontribusyon upang magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain ang bayan ng Ibaan.

Kasama rin sa ipinagkaloob ang mga tools para sa tamang pagkukumpuni ng mga makinarya.

Matapos ang maikling seremonya para dito, ipinagpagtuloy na ang mga aktibidades para Ugnayan Sa Barangay Pangao.

 

 

 

 

 

 

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s