Mayor Toreja, nakipagusap sa mga senior citizens

"Pipilitin natin na madagdagan pa ang bilang ng mga senior citizens natin na maging benepisaryo ng PhilHealth", ayon kay Mayor Toreja.

Nakipag-usap si Mayor Danny Toreja sa mga lider ng Senior Citizens ng iba’at ibang barangay sa Ibaan upang talakayin ang mga pangangailangan ng nasabing grupo, sa isang pagpupulong na ginangap sa Municipal Social Welfare Development Office noong ika-23 ng Agosoto 2011.

Sa opisyal na buwanang pagpupulong ng Ibaan Senior Citizens, pangunahin sa naging hiling nila sa Punong Bayan ay ang mabigyan ang lahat ng kanilang miyembro ng benepisyo mula sa PhilHealth at ibang mga diskwento na naaayon sa itinadhana ng batas.

Kasama din sa kanilang kahilingan ay ang mabigyan sila ng sariling opisina kung saan mas mabibigyan ng sapat na atensyon ang mga aktibidades na may kinalaman sa mga senior citizens ng Ibaan. Matataandaan na lahat ng barangay ay may mga senior citizens at bawat barangay ay mayroong lider na nagsisilbing representatante ng huli sa mga pagpupulong sa bayan.

Ayon naman kay Mayor Danny Toreja, bilang tugon sa kanilang mga kahilingan, sinabi nito na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanyang opisina sa tanggapan ng PhilHealth upang mapabilis ang pagpoproseso ng mga PhilHealth Cards lalong higit para sa mga senior citizens.

Ang ilan sa mga lider ng senior citizens sa bawat barangay sa Ibaan.

Matatandaan na ipinamamahagi na ng lokal na pamahalaan ang mga PhilHealth Cards sa mga lugar na napupuntahan nila bilang bahagi ng kanilang programa na “Ugnayan Sa Barangay”.

Ganun pa man, ayon pa rin kay Mayor Toreja, ilan lamang ang kanilang naipapamahagi na PhilHealth Cards dahil ito ay depende pa rin sa mga maibibigay sa kanila ng PhilHealth Office. At dahil nga dito, minarapat ng kanyang opisina na direktang makipagusap na sa nasabing ahensya para na rin sa kapakanan ng mga senior citizens.

Sinabi na rin ni Mayor Toreja na sisikapin pa niya na mas maparami ang bilang ng mga benipisaryo ng PhilHealth sa buong Ibaan bago matapos ang taong kasalukuyan.

More photos at this link: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.240200499354507.54480.173390052702219&type=1

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s