Direktang pamimigay ng gamot

Si Jahmil Asebo ng Municipal Health Office habang direktang nagbibigay ng gamot sa isang ina para sa kanyang anak.

Upang masigurado na direktang maibibigay sa nangangailangan mismo ang libreng gamot na inilalaan ng lokal na pamahalaan ng Ibaan, at para na rin sa mas accessible  at konbinyente, binigyang espasyo ang Municipal Health Office sa munisipyo na nagsisilbing botika ng bayan.

Ayon kay Jahmil Asebo, kawani ng MHO na nakatalaga sa nasabing opisina, ang opisina o botika ay para sa mas mabilis na pamamahagi ng gamot sa mga may sakit. Sa proseso, mabibigyan ng gamot ang nangangailangan base sa reseta o rekomendasyon ng municipal health officer.

At sa loob ng isang buwan mula Hunyo 7 ng taong kasalukyan, umabot na sa 774 na pasyente ang naserbisyuhan ng kanyang botika. Sa nasabing panahon din, narito ang mga gamot ng naipamahagi sa mga nangangailangan:

Paracetamol tablet (8 boxes), paracetamol syrup (183 bottles), paracetamol drops (55 bottles), amoxycillin capsule 500mg (13 boxes), amoxicillin suspension 250mg/50mg (140 bottles), amoxycillin drops 10ml (40 bottles), cotrimoxazole suspension 80mg/400 60ml (70 bottles), cotrimoxazole tablet 800mg/160 (8 boxes), multivitamins syrup with iron 60ml (166 bottles), multivitamins capsule with iron and folic acid (17 boxes), nifedifine capsule 5mg (2 boxes), mefenamic acid capsule 500mg (7 boxes), salbutamol syrup 60ml (40 bottles), salbutamol tablet 2mg (2 boxes), salbutamol sulfate nebule (3 boxes), dicycloverine syrup 60ml (20 bottles), dicycloverine tablet (3 boxes), ORS with zinc (6 boxes), cloxacillin capsule 500mg (8 boxes)cloxacillin suspension 250mg 60ml (60 bottles), chlorpenaramine tablet (2 boxes), metformin tablet 500mg (4 boxes), aluminum hydroxide tablet 200/100mg (2 boxes).

Inaasahan ang marami pang libreng gamot na maipapamahagi ng botika ng bayan na karamihan sa mga benipisaryo ay ang mga bata at katandaan.

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s