Ugnayan Sa Barangay Tulay

Ikalawang Ugnayan Sa Barangay sa Brgy. Tulay

Naging matagumpay ang ikalawang serye programang “Ugnayan Sa Barangay” ng pamahalaang lokal ng Ibaan na ginagap sa Brgy. Tulay, Ibaan, Batangas.

Sa pangunguna ni Vice Mayor Sixto Yabyabin, at tulad ng nauna na ginanap sa Brgy. Sto. Nino, inilapit at inihatid ang “front line services” ng bawat departamento ng munisipyo kung saan ang mga Hepe ng huli ang syang direktang naki-daupang palad sa mga mamamayan ng Brgy. Tulay.

Kasama rin sa nagbigay ng kanyang libreng serbisyo at konsultasyon si Dra. Patricia Toreja, may-bahay ni Mayor Danny Toreja.

Si Vice Mayor Sixto Yabyabin habang nakikipag-ugnayan sa mga taga Brgy. Tulay.

Kasama sa mga departamento ng munisipyo na naghatid ng kanilang pangunahing serbisyo ang Municipal Planning and Development Council (Engr. Mario S. Samson), Municipal Engineering Office (Eng. Lalain C. Salagubang), Office of the Mayor (Federico Caringal, Municipal Administrator; Vanessa G. Nicolas, License and Permit Section), Municipal Agriculture Office (Ethel Joy A. Caiga – OIC, Municipal Agriculturist), Municipal Health Office (Dra. Agnes M. Chua, M. D.), Department of Interior and Local Government (Loran M. Silva), Local Civil Registrar (Roderick S. Altamirano) Sangguniang Bayan (Loreto P. Chavez – SB Secretary), Municipal Treasurer Office (Dolores Guerra, Acting MTO), at Municipal Assessor Office (Ruby Juris L. Rosal). Kasama ring dumating ng mga Hepe ang ilang nilang mga kawani sa kanilang opisina upang mas mabilis na mapaglingkuran ang mga dumating sa naturang programa.

Nagbigay din ng libreng konsultasyon si Dra. Patricia Toreja, may-bahay ni Mayor Danny Toreja.

Nagbigay ng maikling “lecture” ang lahat ng mga Hepe ukol sa mga serbisyo na ibinibigay ng kanilang opisina at departamento. Sa ganung paraan, magiging mas madali na para sa mga taga-Brgy. Tulay ang pakikpag-transakyon sa anumang opisina sa munisipyo. Labis naman ang kagalakan ni Brgy. Chairman Reuther Endaya sa pagkakataon at biyaya na naihatid ng munisipyo sa kanyang barangay. Bago pa man ang nasabing ugnayan, makailang beses din na nakipag-usap si Brgy. Chairman Endaya sa Punong Bayan upang maging ikalawang  barangay na maging benepisaryo ng nasabing programa. At bagama’t hindi nakarating si Mayor Danny Toreja na kasalukyang nasa Canada, ipinaabot pa rin nya ang kanyang pasasalamat sa  Punong Bayan, ganun na rin kay Vice Mayor Sixto Yabyabin at iba pa.

Dumalo rin sa nasabing aktibidades ang mga myembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. Socrates Arellano, Kon. Jano Torino, Kon, PJ Chua, Kon. Tony Benitez, Kon. Rodel De Castro at Kon. Turing Maputi.

Blood pressure check up para sa taga Tulay.

Municipal Civil Registrar

Bilang Hepe ng Ibaan Municipal Civil Registrar, ipinaliwanag ni G. Roderick Altamirano ang kahalagahan ng Civil Registration sa buhay ng bawat mamamayan, ganun din ang mahahalagang probisyon ng RA 9048 at RA 9255. Umabot din sa 10 katao ang nabigyan nila ng linaw kanilang mga personal na katanungan ukol sa tamang pagpaparehistro.

Karamihan sa mga ito ay may kinalaman sa “late registration of birth” at “Petition for Correction of Clerical Error/Change of First Name”. Mahusay ding naipaliwanag ang isyu ukol sa paggamit ng apelyido ng mga hindi lehitimong anak sa kanilang mga magulang. Lalong higit, naintindihan ng mga taga-barangay ang aspetong legal na maaaring kaakibat ng mga mali at huling pagpaparehistro.

Mamamayan ng Brgy. Tulay habang naghihintay ng kanilang pagkakataon.

Namigay din ang departamento ni G. Altamirano ng 90 libro/babasahin na naglalaman ng impormasyon at probisyon ng Republic Act No. 9048 at Republic Act No. 9255.

Municipal Treasurer Office

Ipinaliwanag naman ng Municipal Treasurer Office ang kanilang mga obligasyon at responsiblidad na dapat gampanan para sa pananalapi ng pamahalaang bayan kung saan malaking bahagi nito ang ginagamit upang makapaghatid ng serbisyo para sa bayan. Sa paliwanag ni G. Angelina Ramos, nabigyang linaw ang taga-barangay sa iba’t ibang isyu tungkol sa tamang buwis at pagbubuwis sa mga ari-arian ng isang tao.

Isa na rin itong paraan upang masagot ang mga katanungan ng mamamayan na may kinalaman sa kanilang mga lupain at iba pang pag-aari. Isinama na rin sa ni G. Ramos sa kanyang pagliwanag ang kontribusyon ng cedula o ” community tax certificate” sa pondo ng bayan. Kaalinsabay nito, hinikayat na rin niya ang lahat ng magbayad ng tamang buwis para sa kapakanan ng mas nakararami.

Dalawa sa maraming aso na nabigyan ng bakuna ng MAO laban sa rabies.

Municipal Agriculture Office

Walang kapaguran naman na tiunalakay ni G. Ethel Joy Caiga, Municipal Agriculturist, ang mga programa na isinasagawa ng kanyang departamento upang mapalakas ng lokal na agrikultura sa bayan ng Ibaan. Inilahad nya ang mga proyekto tulad ng pamimigay ng libreng binhi sa mga nagnanais na magtanim ng mga halamang gulay at prutas, ganun din ang ornamental.

Sa paghahayupan, ibinida din niya ang “genetic improvement” ng mga kasalukuyang baka at kalabaw ng mga taga-Ibaan patungo sa proyektong pag-gagatasan na isa sa mga pangarap ni Mayor Danny Toreja. Ayon pa sa kanya, nagsasagawa ang kanyang departamento ng mga pagsasanay sa mga magsasaka upang mas mapaganda ang kanilang produksyon na magreresulta naman sa mas mataas na kita. Inanyayahan na rin nya ang lahat ng bumisita sa kanilang opisina para anumang katanungan ukol sa mga paraan na maaring makatulong ang kanilang opisina.

Sa araw ding iyon, nakapamahagi ang grupo ni G. Caiga ng mga libreng binhi tulad ng yellow passion fruit (30 piraso), eggplant (100 piraso), tomato (100 piraso), mustard (100 piraso), pole sitao (100 piraso), at labanos (100 piraso). Umabot naman 27 na alagang aso ang kanilang nabakunahan ng anti-rabies.

Ganun din, naipamahagi ay 15 babasahin ukol sa “Likas ng Pagsasaka”, Vermiculture (15 piraso) at “Tatlong Hakbang Sa Kabuhayan” (15 piraso). At bilang suporta pa rin sa mga magsasaka, namahagi na rin sila ng 30 bote ng vermi tea (foliar fertilizer).

Libreng gamot para sa mga pasyente at nagpakonsulta.

Municipal Health Office

Ang mga sumusunod naman ay ang mga gamot na naipamahagi ng Municipal Health Office: aluminum hcl tablet (40 tablets), amboxol tablet (5 tablets), amoxicillin capsule (1 box nd 84 capsules), amoxicillin drops (5 bottles), amoxicillin suspension (28 bottles), ascorbic drops (7 bottles), ascorbic syrup (25 bottles), ascorbic tablet (1 box and 40 tablets), aspirin tablet (5 tablets), bromhexine syrup (16 bottles), captopril tablet (5 tablets), carbocistine capsule (25 capsules), carbocistine drops (7 bottles), carbocistine syrup (11 bottles), cefalexin syrup (3 bottles), chlorphenamine tablet (40 tablets),cloxacillin capsule (1 box and 6 capsules), cloxacillin suspension (8 boxes), cotrimoxazole suspension 200/40mg (3 bottles),cotrimoxazole tablet (34 tablets), dicycloverine tablet (15 tablets), lagundi tablet (90 tablets), mefenamic capsule (2 boxes and 50 capsules), metaprolol tablet  (30 tablets), metformin tablet (10 tablets), multi-vitamins capsule (2 boxes and 85 capsules), multi-vitamins drops (7 bottles), multi-vitamins syrup (42 bottles),nifedipine capsule (30 capsules), ORS (19 sachet), paracetamol drops (4 bottles), paracetamol syrup (40 bottles), paracetamol syrup with chlor. (3 bottles), paracetamol tablet (1 box and 60 tablets), salbutamol nebule (2 ampoules), salbutamol syrup (6 bottles), at Vitamin B complex tablet (1 box and 20 tablets).

Municipal Social Welfare Development

Sa pamamagitan naman ng MSWD, 113 katao ang nabigyan ng libreng gupit. Hindi rin kinaligtaan ang mga mag-aaral ng Day Care dahil tumanggap naman sila 71 libro na malaking tulong sa kanilang pag-aaral. At sa mga miyembro ng PhilHealth mula sa Brgy. Tulay, 113 na PhilHealth cards ang sa kanila ay ibinigay.

More photos at https://www.facebook.com/media/set/?set=a.223251177716106.51605.173390052702219&type=1

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s