Mag-aaral ng Coliat ES, nabiyayaan ng libreng tsinelas

(Mula kaliwa) Sina Principal Villanueva, Brgy. Chairman Amargo, Municipal Administrator Rico Caringal, Dra. Pat Toreja, Coliat BHW at Vice Mayor Sixto Yabyabin habang masayang nagbibigay ng pagkain sa mga mag-aaral ng CES.
(Mula kaliwa) Sina Principal Villanueva, Brgy. Chairman Amargo, Municipal Administrator Rico Caringal, Dra. Pat Toreja, Coliat BHW at Vice Mayor Sixto Yabyabin habang masayang nagbibigay ng pagkain sa mga mag-aaral ng CES.

Bilang pagtalima pa rin sa obligasyon na bigyang importansya at atensyon ang kapakanan ng mga kabataan, namahagi ang Pamahalaang Bayan ng Ibaan ng libreng tsinelas, na sinundan ng “feeding program” sa mga mag-aaral ng Coliat Elementary School, July 20.

Sa pakikipagtulungan ni Bokal Mabel Virtucio ng 4th District ng Probinsya ng Batangas, magkatulong na pinangunahan at isinagawa nina Vice Mayor Sixto Yabyabin at Dra. Patricia Toreja ang nasabing programa. Naging kaapay din upang maisakatuparan ito sina Municipal Administrator Rico Caringal, Coliat  Brgy.  Chairman Margarito Arga Amargo, CES Principal Gng. Amelia Villanueva, mga guro at mga miyembro ng Sangguniang Barangay.

Sa nasabing programa, umabot sa mahigit 400 mag-aaral, mula una hanggang ika-anim na baitang, ang naging benepisaryo.Bukod pa sa mga tsinelas, tumanggap din ng mga kagamitang pag-iskwela tulad ng notebook, lapis at papel.

Lubos naman ang kagalakan ng mga mag-aaral sa kanilang mga natanggap.

Ang mga mag-aaral ng CES na matamang naghihintay para sa kanilang tsinelas at sopas.

Ayon kay Vice Mayor Yabyabin, ang kanilang ipinamahagi ay isa lamang sa marami pang mga tulong ng natatanggap ng lokal na pamahalaan ng Ibaan mula Kapitolyo. Mula sa mabuting pakikipag-ugnayan sa opisina ni Bokal Mabel Virtusio, nagawang magpadala ng huli ng nasabing mga tsinelas at gamit pang-iskwela upang maipamahagi sa mga mag-aaral.

Pagkatapos ng pamamahagi, ituloy na rin ang “feeding program” sa pangunguna naman ni Dra. Patricia Toreja, may-bahay ni Mayor Danny Toreja na kasalukuyang nasa Canada.

Sina Dra. Pat Toreja at Vice Mayor Sixto Yabyabin, kasama ang isang kagawad ng Brgy. Coliat, habang namamahagi ng libreng tsinelas.

Sa tulong mga mga miyembro ng Sangguniang Barangay at Barangay Health Workers, isang masustansyang sopas ang natikman ng mga bata. Umabot sa 15 kilo ng sopas na may kasamang hotdog at gatas ang pinagsaluhan ng mga bata.

Para kay Dra. Toreja, ang nasabing gawain ay bahagi pa rin ng mga programa ng pamahalaan na pangalagaan ang kalusugan, lalong higit ng mga kabataan. Aniya, mas magiging masigla sa pag-aaral ang mga bata kung nabibigyan sila ng tama at sapat na nutrisyon.

Nagpahayag din ng kanyang pasasalamat si Brgy. Chairman Margarito Arga Amargo sa biyayang natnggap ng kanyang nasasakupan.

“Nais kong magpasalamat kina Vice Mayor Yabyabin at Dra. Pat Toreja dahil napili nila ang aming barangay na mabigyan ng ganitong programa. Malaking tulong sa mga bata ang bagong tsinelas at mga kwaderno, lalo na sa mga kapos sa buhay. Salamat din at naging instrumento tayo para sa kalusugan ng aming mag-aaral kahit sa simpleng paraan lamang”, pagtatapos ni Brgy. Chairman Amargo.

Ani naman ni Municipal Administrator Rico Caringal, “Ito kasing mga ganitong programa, inihabilin ito ni Mayor Danny bago sya umalis. Alam nya ang ginagawa nating ito at lagi syang tumatawag upang tiyakin na naiihatid natin sa barangay mga ganitong serbisyo”.

Bagama’t wala pang schedule para sa susunod na pagsasagawa ng nasabing programa, nangako sina Vice Mayor Yabyabin at Dra. Toreja na patuloy ang kanilang pakikipag-pulong sa iba’t ibang pribado at pampublikong tanggapan upang makapagsagawa ng iba pang mga programa para sa mga barangay.

Para sa iba pang mga larawan:

http://www.facebook.com/media/set/?set=a.224621337579090.51829.173390052702219

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s