Feeding Program sa Brgy. Balanga

Ang mga butihing Ibaeno na nangangalaga sa kalusugan ng mga kabataan ng Ibaan.

Matapos ang feeding program sa Brgy. Coliat at kaalinsabay pa rin ng pagdiriwang ng 37th Nutrition Month ngayon buwan ng Hulyo, muling nagsagawa ng Feeding Program ang Pamahalaang Bayan ng Ibaan sa Brgy. Balanga, July 22.

Muli, pinangunahan ni Vice Mayor Sixto Yabyabin at Dra. Patricia Toreja ang nasabing programa. At tulad ng nangyari sa Brgy. Coliat, naging katulong ang mga Barangay Health Workers, Day Care Workers, mga opisyales ng barangay at mga guro ng Balanga Elementary School.

Matapos ang ikalawang public hearing ukol sa “no plastic policy” na isinusulong ng pamahalaang bayan ng Ibaan, tumulak si Vice Mayor Yabyabin sa Brgy. Balanga kung saan sinalubong sya ng mga guro at mag-aaral. Ilang sandali pa, dumating naman si Dra. Patricia Toreja.

Sa kahilingan na rin ni Brgy. Chairman Benny Caya, naging ikalawang benepisaryo ng naturang programa ang Brgy. Balanga.

Umabot naman sa 318 ang mga bata na nabiyayaan ng programang ito kung saan natikman nila ang masarap at masustansyang sopas na niluto ng mga nagbigay serbisyo para sa kanila.

More photos at http://www.facebook.com/media/set/?set=a.224678804240010.51843.173390052702219&saved

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s