Bakuna laban sa AH1N1, isinagawa

Pinangunahan ni Dra. Pat Toreja, may-bahay ni Mayor Danny Toreja ang pagbabakuna laban sa AH1N1.

Sa pakikipag-tulungan ng “Kaya Natin” Movement, pinangunahan ng may-bahay ni Ibaan Mayor Danny Toreja na si Dra. Pat Toreja ang pagbabakuna laban sa mapanganib na sakit na AH1N1 sa mga mamamayan.

Naging kaagapay ni Dra. Pat ang Municipal Health Office, kasama si Dra. Agnes Chua, volunteers at iba sa nasabing pagbabakuna.

Halos 700 Ibaeno ang nabiyayaan ng libreng bakuna na ito na bahagi pa rin ng programang pang-kalusugan ng lokal na pamahalaan ng Ibaan sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja. Matatandaan na sa loob lamang na halos tatlong buwan, pang-apat na ito sa malalaking medical mission na naisagawa sa pagitan ng buwan ng Mayo at Hulyo.

Ayon kay Dra. Pat Toreja, layunin ng naturang pagbabakuna ang mabigyan ng higit na proteksyon ang mamamayan ng Ibaan sa AH1N1. Bagama’t wala pang naitatala sa Ibaan ng kaso na tinamaan ng matinding sakit na ito, mas makabubuti pa rin, aniya, ang maging handa ang katawan upang mas higit na makaiwas dito.

Bata man o matanda ay nabigyan ng bakuna laban sa mapanganib na sakit.

Isinagawa ang pagbabakuna pagkatapos mismo ng State of Municipality Address ni Mayor Toreja na ginanap sa Recto Gym.

Samantala, ang KAYA NATIN Movement ay nasa pangunguna ni dating Isabela Governor Grace Padaca at Atty. Arnel Paciano Casanova. At sa epektibong pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng Punong Bayan, nakapag-padala ang grupo ng mga “vials” na ginamit sa pagbabakuna para may edad na 3 taon pataas.

Nagtabi din ng sapat na bilang ng vials ng pangbakuna para naman sa mga empleyado at mga kawani ng pamahalaang bayan.

Para sa iba pang mga larawan: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.218771484830742.50833.173390052702219

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s