Ugnayan Sa Barangay, Inilunsad Sa Brgy.Sto. Nino

Programang "Ugnayan Sa Barangay" ng Munisipalidad ng Ibaan.

Sinimulan na ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan, sa pangunguna ni Mayor Danny Toreja, ang programang “Ugnayan Sa Barangay” na may layuning ilapit at ihatid sa mga mamamayan ng bawat barangay ang pangunahing serbisyo ng iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan. At bilang hudyat ng pagsisimula, naging masuwerte ang Brgy. Sto. Nino dahil dito ginanap ang kauna-unahang bahagi ng nasabing programa, July 12.

Halaw sa tradisyunal na pagtutulungan ng mamamayan sa pamamagitan ng bayanihan at ideya ng “sama-sama na tayo” na pangunahing konsepto ng kasalukuyang administrasyon, ganun na rin sa pakikipagkonsultasyon ng  Tanggapan Ng Punong-Bayan sa mga Hepe ng bawat departamento, nabuo ang programang “Ugnayan Sa Barangay”. Layunin din nito ang higit na mapalakas ang direktang ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga barangay ng bayan ng Ibaan.

Mayor Toreja kasama ang isa sa mga estudyante ng Day Care at ilang mga magulang.

Isa itong magandang panimula sa pamunuan ni Mayor Danny Toreja sa kanyang ikalawang taong panunungkulan.

Sa proseso, aminado ang lokal na pamahalaan na kadalasan ay wala pagkakataon  ang mga taga-barangay na pumunta sa munisipyo upang asikasuhin ang anumang transakyon na may kinalaman sa iba-ibang aspeto ng kanilang pamumuhay. Ilan sa mga natukoy na dahilan ay ang kawalan ng pamasahe at ng oras. Kasama na dito ang pagiging mahiyain ng ilan at kakulangan ng kaalaman sa mga tamang proseso ng bawat transaksyon.

At dahil na rin sa paniniwala ni Mayor Toreja sa kasabihan na “gobyerno ng tao, gobyerno para sa tao”, minamubiting simulant na ang programa upang higit na maramdaman ng mga taga-barangay ang sinseridad sa pagbibigay ng serbisyong tapat ng lokal na pamahalaan. At Brgy. Sto. Nino nga ang naging unang benepisaryo nito.

Si Vice Mayor Yabyabin habang direktang nakikipag-diyalogo sa mga residente.

Sa pangunguna ng Office of the Mayor, nagtungo ang iba pang mga departamento sa Brgy. Sto. Nino tulad ng Municipal Planning and Development Council (MPDC), Department of Interior and Local Government (DILG/Batrangay), Municipal Engineering Office (MEO), Local Civil Registrar (LCR), Municipal Health Office (MHO), Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Social Welfare Development (MSWD),  Municipal Assessors’ Office (MAO), General Service Office (GSO), Information Technology (IT), at MTO.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Toreja na ang Ugnayang Barangay ay isang indikasyon ng pantay-pantay na pagtingin ng kanyang administrasyon sa kanyang nasasakupan bilang Punong Bayan. Na maging ang mga taga-barangay ay bahagi rin ng pamahalaang bayan. Kung kaya’t marapat lamang na dalhin at ilapit sa barangay ang munisipyo ng Ibaan.

Sa pangunguna ni Ms. EJ Caiga, namigay ang Municipal Agriculture ng mga pananamim sa mga residente ng barangay.

Higit pa sa serbisyong dala ng iba’t ibang departamento, inilahad na rin ni Mayor Toreja ang ilang pang mga proyekto ng kanyang administrasyon tulad ng pagbibigay ng scholarship grants o tulong pinansyal sa mga nagsipagtapos na Valedictorian at Salutatorian mula sa elementary patungong high school. Ito ay naisakatuparan sa tulong ng Servillano Toreja Foundation. Ganun din ang Tulong Edukasyon kung saan naglaan ang kanyang pamunuan ng halagang P10,000.00, bawat semester, sa bawat mag-aaral na kwalipikado upang maging benipisaryo ng naturang programa. Kaagapay naman sa programang ito ang AVE Partylist.

Mga kawani ng Local Civil Registry habang ipinapaliwanag ang tamang prosesyo at benepisyo ng pagpaparehistro.

Pinasalamatan din ni Mayor Toreja ang mga opisyales ng Brgy. Sto. Nino sa pangunguna ni Brgy. Chairman Dela Pena na malugod na tumanggap sa pagdating ng pamalahalaang bayan upang maisakatuparan ang intension ng nasabing programa.

Nakibahagi din sa naturang programa ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Sixto, kasama ang ilang konsehal ng bayan tulad nina Kon. Soc Arellano, Kon. PJ Chua, Kon. Rodel de Castro, Kon. Turing Maputi at Kon. Juvy Mendoza.

Nauna namang dumating sa Brgy. Sto. Nino ang grupo ng Business Permit/License Section ng munisipyo upang magsagawa ng “tax mapping”. Layunin nito na mabigyang paalala ang mga establisyamento sa naturang barangay para sa tamang pagbabayad ng buwis sa kanilang mga negosyo.

Sa pamamagitan ng Municipal Health Office, bukod sa libreng konsulta, tumanggap din ng libreng gamot ang mga pasyente.

Sa pagsisimula ng programa, ipinaliwanag din ng bawat Hepe ang mga tungkulin at obligasyon sa bayan ng kani-kanilang departamento. Ipinagbigay alam din sa mga taga-barangay ang anumang plano na nais maisagawa ng kanilang departamento sa darating na mga buwan. Ganun din, ipinaliwanag ang bawat hakbangin at proseso ng mga transaksyon sa kanilang departamento o opisina.

Nabigyan din ng pagkakataon ang Sangguniang Bayan upang mailahad sa mamamayan ang mga batas at ordinansa nan a kasalukuyang pag-uusapan at nirerebisa sa konseho, ganun din ang mga bago pa lamang naaprubahan at ipatutupad sa hinaharap. Masaya namang ibinalita ni Vice Mayor Yabyabin na naisapinale na ang Public Market Code at ang Children Rights Code na dalawa sa pinakamahalagang batas na naipasa ng Sangguniang Bayan.

Ipinamigay na rin ni Mayor Danny, kasama sina Vice Sixto, Kont. PJ Chua at Kon. Rodel de Castro, ang mga PhilHealth Cards para sa ilang myembro mula sa barangay.

Ayon naman kay Municipal DILG Lorna Silva, isang magandang pagkakataon ito upang mailapit ng mga opisyales ng barangay ang kanilang mga hinaing o nais na hilingin sa lokal na pamahalaan. Bagama’t madalas ang koordinasyon ng mga Punong Barangay at Punong Bayan, sa programang Ugnayang Barangay, mas magiging bukas ang komunikasyon ng mga kinauukulan. Ang nasabing programa ay bahagi at itinatadhana din ng Local Government Code kung saan ang munisipyo ay kinakailangang magkaroon ng direktang pakikipag-ugnayan sa bawat barangay.

Sa mga departamentong dumating mula sa munisipyo, tatlo (3) ang naging pinakaabala sa lahat. Ito ay ang Municipal Health Office, Municipal Social Welfare Development at Municipal Agriculture.

Nangunguna sa mga naging takbuhan ng mga tao ang Municipal Health Office kung saan umabot sa 236 na katao ang nabigyan ng general check-up. Kasama na rito ang mga matatanda at buntis. Sumailalim naman sa immunization ang malaking bilang din ng mga kabataan.

Libreng gupit para sa mamamayan na dala ng Municipal Social Welfare Development Office.

Ang mga sumusunod ay ang mga libreng gamut na naipamigay sa mga pasyente: Nifedipine Capsule (2 sachets), Salbutamol Nebule (5 ampoules), Multivitamins Capsule (1 box and 80 capsules), Carbocisteine Capsule (1 box and 10 capsules), Ascorbic Acid Capsules (60 capsules), Captopril Tablet (10 tablets), Metoprolol (Prometin) Tablet (10 tablets), Amoxicillin Capsule (1 box and 60 capsules), Aluminum Hcl Tablet (10 tablets), Cloxacilin Capsule (20 capsules), Lagundi Tablet (1 box and 40 tablets), Cefalexin Suspension (15 bottles), Chlorphenamine Maleate Syrup (2 bottles), Bromhexine Hydrochloride Syrup (2 bottles), Carbocisteine Syrup (13 bottles), Ascorbic Acid Drops (1 bottle), Multivitamins Drops (9 bottles), Cloxacillin Suspension (6 bottles), Amoxicillin Drops (2 bottles), Paracetamol, Chloophenamine, Phenylpropanolamine Hcl Syrup (2 bottles), Salbutamol Syrup (2 bottles), Ascorbic Acid Syrup (24 bottles), Dicycloverine Syrup (7 bottles), at Dicycloverine Tablet (60 tablets).

Samantala, nakapagmahagi naman ang Municipal Agriculture Office ng iba’t ibang uri ng pananim at binhi sa barangay tulad ng yellow passion fruit seedlings (30pcs.), eggplant seedlings (112pcs.), pechay, mustard at labanos (250pcs.). Sa kabuuan, 140 na katao ang tumanggap ng naturang mga pananim.

Pormal na ring pinasinayaan ang bagong gawang tulay na yari sa bakal na nag-uugnay sa Brgy. Sto. Nino at Brgy. Calamias.

Nakapag-bakuna din ang mga representante ng Municipal Agriculture Office ng walong (8) aso kontra rabies. At bilang bahagi pa rin ng patuloy na pagtuturo sa mga magsasaka, nabigyan ang 30 katao ng mga babasahin tulad ng “Likas Na Pagsasaka”, “Vermiculture” at “Tatlong Hakbang Sa Kabuhayan” na maari nilang gabay sa tamang pagsasaka.

Higit sa animnapu (60) katao naman ang nabigyan ng libreng gupit ng MSWD. Naisagawa ito sa pamamagitan ng tulong at partisipasyon ni Butch, Pilo at Venus. Inalalayan din ng MSWD ang mga katatandaan sa kanilang pagtatanong ukol sa kanilang mga karapatan at benepisyo bilang mga miyembro ng sector ng Senior Citizens.

At bilang bahagi pa rin ng serbisyo publiko, ipinamahagi na rin ang 51 sa 120 PhilHealth Cards na iprinoseso ng lokal na pahalaan para sa ilang mamamayan ng barangay. Apat (4) naman ang nabigyan ng Senior Citizen ID.

Hindi rin nakaligtaan ang mga estudyante ng Day Care dahil binigyan din sila ng mga libro at ilan pang mga kagamitan sa pag-aaral. Tumanggap ang Day Care Center ng Brgy. Sto. Nino ng 32 iba’t ibang klase ng libro para kanilang mag-aaral,

Umabot sa 46 na mga hepe ng iba’t ibang departamento at mga empleyado ng munisipyo ang nakilahok upang maghatid at magbigay ng kanilang serbisyo.

Sinamantala na rin ang pagkakataon upang mapasinayaan ang bagong gawang “foot bridge” sa barangay. Ang nasabing foot bridge ay gawa sa bakal at nagdudugtong sa Brgy. Sto. Nino at Brgy. Calamias.

More photos at https://www.facebook.com/media/set/?set=a.219827268058497.51060.173390052702219

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s